Willy Wang Won Wushu Gold Medal

Posted by admin on August 22nd, 2008 under Balita, Lipunan, Palakasan, Samot-Sari
Tags: , , ,  •  No Comments

Wow Naman !!!

Do you believe this? Well, it’s true. Nitong Biyernes, August 22, si Willy Wang, ang dating world silver medalist ng Philippine Team, ay nakakuha ng first “gold” sa 9th World Wushu Championship para sa 29th Olympic Games na ginanap sa Olympic Sports Center in Beijing, China

Si Wang ay nakakuha ng average score na 9.47 points na nagdala sa kanya sa unang rango sa wushu sports demonstration sa nasabing Olympics. At alam niyo ba? Tinalo ni Wang ang benteng wushu athletes na galing pa sa iba’t ibang bansa. Ang galing di ba? Isipin mo, 21 silang lahat na sumabak sa demonstrasyon and he ranked first? Impressive! Habang ang mga participants from Brazil, Macau and Chinese Taipei made the second, third and fourth with scores of 9.72, 9.71 and 9.70, respectively.

This success made the country hoped for a “real gold” in the actual event. As you may know, this sports demonstration event where Wang won the gold medal is not official and so it is not counted technically, kaya hindi pwedeng ilagay ang medalya sa medal standing kasama ng mga regular sport.

Pero syempre dahil positive thinker tayong mga Pinoy, “Optimistic”, ika nga, we are raising our hopes that during the actual wushu event, the Philippine Team will eventually reign once more against other contenders.

During the said sports demonstration, First Gentleman Mike Arroyo was there, which eventually inspired the players to do not just good but do their best! And thankfully, Wang did!

Furthermore, Hollywood action star, Jet Li, who is also a renowned martial art expert, was also there to grace the event as the guest speaker.

On the other hand, si Benjie Rivera, Mary Jane Estimar and Marian Mariano also won the event at nakatitiyak na sa bronze medal. Sila ay sasabak ngayong Sabado, August 23, para sa semi-finals at siyempre pa, umaasa ang RP team that they will bring home the bacon.

Mabuhay ang mga manlalarong Pinoy at Mabuhay ang Bansang Pilipinas!

Quirino Town Mayor in Bahag

Posted by admin on July 31st, 2008 under Balita, Lipunan, Samot-Sari
Tags: , , ,  •  No Comments

Wow Naman !!!

It has been published in our big brothers site last July 28 but they have not managed to get a photo or a video of the event. Talagang nakakatuwa naman ang pagmamalaki ni Bugkalot Chieftain and Nagtipunan, Quirino Town Mayor Rosario Camma, when he attended the “red carpet” fashion show of the State of the Nation Address in 2008 ( SONA 2008 ) by President Gloria Macapagal Arroyo. This event is a real highlight in terms of nationalism. Buong pagmamalaki ni Mayor Camma na isuot ang bahag (G-String) na simbulo ng pananamit ng ating mga katutubo. He chose to pride himself to wear the native bahag rather than those expensive tuxedo or barongs. Ang galing mo Mayor at kailangan namin sa Pilipinas ang mga taong katulad mo at hindi yung mga plastik na mga pulitiko na walang ginawa kung hindi HUTHUTIN ANG KABAN NG BAYAN.

The said event attended by many of the “USUAL SUSPECTS” or lets say the “LEECHES” in Philippine Politics and Economy who fashioned their expensive garments was overshadowed by a “JUST MAN” clad in G-String. It really is a slap on their faces. Pero dahil sa kapal ng mukha at mga hindi makataong paninindigan karamihan diyan sa mga taga politika ay hindi maantig.

Mabuhay ka Mayor Camma at sana ay dumami pa ang mga katulad mo. Tunghayan ang video at inyong makikita ang buong pagmamalaki ni mayor. (View the video and see how proud the mayor is.)

Google Ranking sa Pinas

Posted by admin on July 28th, 2008 under Kompyuter
Tags: , , ,  •  No Comments

Wow Naman !!

Ang galing-galing !! Sa recent update po ng Google ay biniyayaan niya tayo ng magandang Page Rank sa Toolbar. Ang Wow Naman ! Philippines ay nakahagip ng Page Rank 4 at sey mo pati mga internal pages niya ay mayroon din. Opo mga katoto at kapatid ito ay isang himala. At bakit ko naman matatwag na himala ito ? Una sa lahat ang aking site ay hango sa isang domain na natabunan na ng alikabok at aming lamang inayos na mag-asawa. Sa katunayan, may mga isang taon din siyang nakatago dun sa kasuluksulukan ng aming baul. Nilagyan namin ito ng isang magandang disenyo, kaunting porma at mga kategorya at mga ilang blogpost hinggil sa mga samot-saring artikulo at heto PR4. Nakakatuwa naman po at may biyaya na nakamtan mula sa recent page rank update. Kataka-taka ? Opo at talagang nakapgtataka sa dahilang ito ay napakalaking himala at wala naman ito na anumang uri ng promosyon, advertisements o anumang backlink na matatawag. Hindi po namin ito talaga maintindihan dahil ang aming website na Paraiso Philippines na isang magandang reperensya hinggil sa bansang Pilipinas at Turismo ay nababad sa dati niya pa ring Page Rank na PR0 o itlog. Ito ba ay isang uri ng parusa sa aming nakakatandang website ? Mantakin mo naman kalap na reperensya at arikulo ng Paraiso Philippines at ito ay puros na mga orihinal na kontexto at artikulo na hango sa sarili naming hirap. Ngunit salamat na rin at ang ranking SERP ng aming nakakatandang website ay maayos. Minsan ay nasa unamg pahina ng mga search at minsan naman ay nasa ikalawa. Ang aming pakay naman dito ay maipahiwatig at maikalat ang kagndahan ng mga lugar sa Pilipinas at maipakita sa mga dayuhan na marami tayo pwede nating maipagmalaki kung turismo rin lamang ang pag-uusapan. Sa ikabubuhay din ng ating website ay kailangan din na mayroon din tayo kahit na kaunting pagkunan ng salapi sa pang mantini. Kailangan din naman natin ng mga advertisers. Ang atin lang naman ay lagyan man lang sana ng karapat-dapat na luntiang kulay at huwag naman dayain. Hindi naman tayo umaasa ng malaki ngunit sapat at karapat-dapat lamang. O siya hige na nga, tama na at baka maalis pa ang ating ranggo sa serp position sa ating pag-aalsa. Ok na yun sana sa susunod ay magandang biyaya din ang matamo ng aming main site.

Meralco

Posted by admin on July 8th, 2008 under Balita, Kalakal, Lipunan
Tags: ,  •  No Comments

Wow Naman !!!

In 2002, Government Service Insurance System (GSIS) president and general manager Winston Garcia was involved in the infamous and whooping P53, 501,698.34 purchase of artworks of famous Filipino artists. Using excess liquidity funds, binili ng GSIS thru Gracia’s initiative ang “Parisian Life” painting ni Juan Luna at ang “Under the Mango Tree” and “Ricefields’ painting ni Fernando Amorsolo.
Once again, si Winston Garcia ay laman na naman ng mg newspapers because of his bid to take over the management of Meralco. Could this squabble be politically motivated? Is Garcia acting as the government’s pawn ? Could history be repeating itself?
Naalala nyo be during the Marcos regime ? Naagaw din ng mga Marcoses and Meralco. Along with other assets, Meralco was surrendered to the political adversary of the Lopezes. Is there a hidden agenda behind all these furors ? Garcia is doing the same tactics he has done in the now defunct Equitable-PCI Bank. The same as what he is doing with Meralco, Garcia together with other PCI board members have harped on the questionable transactions that leans toward benefitting other Go-controlled businesses.
The Lopezes and GSIS both have about one third each of Meralco’s total shares. About 36% is held by public investors. Garcia’s abrasive personality surfaced when he started to sit on the board. He demands transparency. Paulit-ulit na sinasabi ni Garica na niloloko ng mga Lopez ang publiko. Diumano labis labis ang singil ng Meralco. Sinasabi ni Garcia na ang kapakanan ng publiko ang kanyang pinoprotektahan. Ano kaya kung sabihin din ni Garcia na siya ay mayroon ding lihim…a hidden agenda. Alam nyo ba na si Garcia ay mayroong koneksyon sa Visayan Electric Company. Veco is the second largest power distributor in the country. Ang Veco ay pag-aari ng mga Aboitiz. Katulad ni Garica ang mga Aboitiz ay kilalang kaalyado ni Gloria Arroyo. Kung mawawala o malulusaw ang prankisa ng Meralco sino sa akala nyo ang magkikinabang ? This is not far from the truth as the same thing has been done before, and it certainly will be done over and over again to feed the struggle for power.
Garcia is blaming the Lopezes for the exorbitant electric rates. This fact however, was disputed by the former Senate president Jovito Salonga. Salonga stated that the Lopez family is known for their concern for the public by investing in public service companies such as telecommunication, broadcasting, power and many other businesses that benefited the Filipino people. Sinabi ni Salonga na kahit gustohin ng mga Lopez na ibaba ang singil ng kuryente ito ay hindi nila magawa. Meralco is a heavily regulated business.
Further, Salonga stated that a big portion of the earnings of the Lopez businesses is given back to the society in the form of education, culture and arts. The Lopezes thru their charitable programs are always on the frontline every time disaster strikes.
Hindi patas ang laban kung ang Meralco lang ans sisisihin sa mataas na singil ng kuryente gayung ang NAPOCOR ay meron ding pagkukulang.

Manny Pacquiao - Next Pinoy Boxing Legend

Posted by admin on June 30th, 2008 under Balita, Lipunan, Palakasan, Samot-Sari
Tags: , ,  •  No Comments

Wow Naman !!!

Another milestone feat for Philippine Sports. Manny “Pacman” Pacquiao did it again. Opo mga kapatid ito po ay isa na namang tagumpay para sa mga Pilipino at sa Bansang Pilipinas ng makamit ni Manny ang tagumpay sa ika siyam na round ng patulugin at pabagsakin niya si David Diaz sa pamamagitan ng isang left hook. Ang kanyang laban sa Mandalay Bay Arena ay tinunghayan ng mahigit na 8,000 mga kababayan natin at mga taga ibang bansa kasama dito ang mga NBA World Champions na Boston Celtics na sina Kevin Garnett, Roy Allen at Paul Pierce na inimbitahan mismo ni Manny na manood ng kanyang laban. Siya ay pinuri pagkatapos ng laban as one of the greatest boxers of all time. Sa ating bansa naman nakamit niya ang parangal na mas nahigitan ang record ng ating boxing legend na si Gabriel “Flash” Elorde. Si Flash Elorde ay nabigo na makamit ang humakbang sa ibang divison ng talunin siya ng Perto Ricano ng 2 beses. Si Manny Pacquiao ang kauna-unahang boxer sa Pilipinas ang nagkamit ng title belt sa 3 ibang dibisyon. Ani ni Manny na iniaalay niya ang kanyang panalo at kanyang tutulungan ang mga nasawi sa lumubog na barko na Princess of the Stars na ikinatuwa naman at buong pasasalamat ng mga kaanak ng mga namatayan.

Boung bansa ay nagdiwa sa panalo ni Manny at hindi palalamang ang ating mga OFW dahil sa sila din ay tumunghay sa Pay Per View sa iba’t ibang panig ng daigdig kung saan sila naka destino. Halos lahat ng smbayanan ay tumigil sa trabaho mapa jeepney driver, pulis, sundalo, o mga kalaban ng pamahalaan ay tumunghay sa laban ni Manny at boung saya sa kanyang panalo. Kita mo nga naman may pagkakaisa din tayo. Mabuhay ka Manny Pacquiao at Mabuhay ang Bansang Pilipinas at sama sama tayong lahat sa tagumpay ng bawat Pilipino.