Wow Naman !!!
Another milestone feat for Philippine Sports. Manny “Pacman” Pacquiao did it again. Opo mga kapatid ito po ay isa na namang tagumpay para sa mga Pilipino at sa Bansang Pilipinas ng makamit ni Manny ang tagumpay sa ika siyam na round ng patulugin at pabagsakin niya si David Diaz sa pamamagitan ng isang left hook. Ang kanyang laban sa Mandalay Bay Arena ay tinunghayan ng mahigit na 8,000 mga kababayan natin at mga taga ibang bansa kasama dito ang mga NBA World Champions na Boston Celtics na sina Kevin Garnett, Roy Allen at Paul Pierce na inimbitahan mismo ni Manny na manood ng kanyang laban. Siya ay pinuri pagkatapos ng laban as one of the greatest boxers of all time. Sa ating bansa naman nakamit niya ang parangal na mas nahigitan ang record ng ating boxing legend na si Gabriel “Flash” Elorde. Si Flash Elorde ay nabigo na makamit ang humakbang sa ibang divison ng talunin siya ng Perto Ricano ng 2 beses. Si Manny Pacquiao ang kauna-unahang boxer sa Pilipinas ang nagkamit ng title belt sa 3 ibang dibisyon. Ani ni Manny na iniaalay niya ang kanyang panalo at kanyang tutulungan ang mga nasawi sa lumubog na barko na Princess of the Stars na ikinatuwa naman at buong pasasalamat ng mga kaanak ng mga namatayan.
Boung bansa ay nagdiwa sa panalo ni Manny at hindi palalamang ang ating mga OFW dahil sa sila din ay tumunghay sa Pay Per View sa iba’t ibang panig ng daigdig kung saan sila naka destino. Halos lahat ng smbayanan ay tumigil sa trabaho mapa jeepney driver, pulis, sundalo, o mga kalaban ng pamahalaan ay tumunghay sa laban ni Manny at boung saya sa kanyang panalo. Kita mo nga naman may pagkakaisa din tayo. Mabuhay ka Manny Pacquiao at Mabuhay ang Bansang Pilipinas at sama sama tayong lahat sa tagumpay ng bawat Pilipino.