Wow Naman !!
Ang galing-galing !! Sa recent update po ng Google ay biniyayaan niya tayo ng magandang Page Rank sa Toolbar. Ang Wow Naman ! Philippines ay nakahagip ng Page Rank 4 at sey mo pati mga internal pages niya ay mayroon din. Opo mga katoto at kapatid ito ay isang himala. At bakit ko naman matatwag na himala ito ? Una sa lahat ang aking site ay hango sa isang domain na natabunan na ng alikabok at aming lamang inayos na mag-asawa. Sa katunayan, may mga isang taon din siyang nakatago dun sa kasuluksulukan ng aming baul. Nilagyan namin ito ng isang magandang disenyo, kaunting porma at mga kategorya at mga ilang blogpost hinggil sa mga samot-saring artikulo at heto PR4. Nakakatuwa naman po at may biyaya na nakamtan mula sa recent page rank update. Kataka-taka ? Opo at talagang nakapgtataka sa dahilang ito ay napakalaking himala at wala naman ito na anumang uri ng promosyon, advertisements o anumang backlink na matatawag. Hindi po namin ito talaga maintindihan dahil ang aming website na Paraiso Philippines na isang magandang reperensya hinggil sa bansang Pilipinas at Turismo ay nababad sa dati niya pa ring Page Rank na PR0 o itlog. Ito ba ay isang uri ng parusa sa aming nakakatandang website ? Mantakin mo naman kalap na reperensya at arikulo ng Paraiso Philippines at ito ay puros na mga orihinal na kontexto at artikulo na hango sa sarili naming hirap. Ngunit salamat na rin at ang ranking SERP ng aming nakakatandang website ay maayos. Minsan ay nasa unamg pahina ng mga search at minsan naman ay nasa ikalawa. Ang aming pakay naman dito ay maipahiwatig at maikalat ang kagndahan ng mga lugar sa Pilipinas at maipakita sa mga dayuhan na marami tayo pwede nating maipagmalaki kung turismo rin lamang ang pag-uusapan. Sa ikabubuhay din ng ating website ay kailangan din na mayroon din tayo kahit na kaunting pagkunan ng salapi sa pang mantini. Kailangan din naman natin ng mga advertisers. Ang atin lang naman ay lagyan man lang sana ng karapat-dapat na luntiang kulay at huwag naman dayain. Hindi naman tayo umaasa ng malaki ngunit sapat at karapat-dapat lamang. O siya hige na nga, tama na at baka maalis pa ang ating ranggo sa serp position sa ating pag-aalsa. Ok na yun sana sa susunod ay magandang biyaya din ang matamo ng aming main site.